Wednesday, July 12, 2023

Top 6 Improvements Para Sa Iyong Sari-Sari Store

 


Kadalasan naang first step sa pagsisimula ng small business ideas ay ang pagtatayo ng sariling sari-sari store. Bukod sa pagiging affordable na business venture, hindi rin maikakaila na patok sa kahit saang bahagi ng Pilipinas ang bawat sari-sari store.

Pero paano nga ba maaaring mag-improve ang sari-sari store business? Para hindi mapagiwanan ng competition at lumago pa ang iyong business, kailangan maghanap ng ways to innovate and improve your current negosyo.

Here are some of the top tips kung paano pagbutihin ang inyong sari-sari store!



1. Keep in mind the comfort of your customers

Mahalaga ang comfort ng iyong mga customers, kaya make sure na hindi unpleasant experience para sa kanila ang bumili sa iyong tindahan. Kung maaari, iwasan na mayroon pang hagdan o mataas na pader bago makita ng iyong customers ang iyong tindahan. Baka hindi rin maging accessible sa mga chikiting at mga elderly na customers.

If you have a food or merienda business on the side, mayroon bang mauupuan ang iyong mga customers? Isa sa mahalagang tingnan ay kung convenient ba para sa kanila na piliing kumain sa iyong tindahan.



2. Always replace your display with new products

Isang malaking no-no ang mga naninilaw at nagfa-fade na mga packaging at products! Make sure to always replace your product displays with new ones, para hindi naman nakaka turn-off sa inyong mga suki.

3. Adjust your store hours

Nahahalata mo ba na mas maraming bumibili sa gabi? O maaga ba gumising ang iyong mga kapit-bahay? The best way to boost your sales ay maki-ayon ka sa body clock and activity ng iyong customers. Your store needs to be there when they need you most.

Maaari ka rin magtanong-tanong kung may kailangan pa ba sila on a later hour or later
that day.

4. Make a good first impression

A good first impression is an impression that lasts. Panatilihing malinis at kaaya-aya ang iyong store front, para maging attractive sa mga possible customers. Mga mahalagang factors to put into consideration ay ang lighting, store name, at visibility of products.

Sa lighting, madali ba makita na bukas ang iyong tindahan? O maliwanag ba ang loob ng iyong sari-sari store? Mahalaga rin na walang harang sa iyong mga produkto para higit na makapilii ang iyong mga customers.

5. Display your extra services and products

Kung ikaw ay nago-offer ng extra products and services tulad ng E-load, photocopying services, at game credits, make sure to display it in your store front. Maaari kang magprint ng colorful signages na siguradong makakakuha ng atensyon para sa iyong tindahan.

Makakatulong rin ito para maboost ang sales ng iyong services. Remember, hindi mahuhulaan ng iyong mga customer ang iyong mga inooffer na produkto. So don’t keep them guessing and be proud of what you have!

6. Don’t forget to smile


You should always be welcoming and engaging, para sa ikabubuti ng iyong business. Nobody wants to deal with someone who brings a negative atmosphere and has a bad outlook on life. Kaya naman make sure to always put on your smile and be cheery when talking with your customers!

Tandaan, no small business is too small to start looking for improvements! Kaya naman make sure to always be on your toes when thinking of the best ways to improve and expand your sari-sari store business!


No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...